Dahil sayong Pag-ibig

ni Elmer Yuri Arisgado

 

Dahil sa iyo,

natatanaw ko ang liwanag sa panahon ng sigwa.

Dahil sa iyo,

muli’t muli kong hinahangad makita at marinig

ang musika ng bawat ngiti at halakhak.

Nalimot ko na ang kahulugan ng  salitang pag-iisa.

Estranghero ang katagang pangamba.

Handa ko na muling itaya ang pag-abot

at paglalakbay sa kalawakan

dahil alam kong sa bawat paggaod

kasama kitang maglilimi sa hirap at sarap

ng pag-asang makakarating tayo sa pampang

at doon itatayo natin

ang ating kanlungan

at tanggulan sa sinumang magtangkang tayo ay mabuwal.

Dahil sa  iyo mahal,

walang mahirap na hindi malalampasan

kung sa bawat gabi sa aking pag-uwi,

ang pagal kong katawan

ay dadampian ng iyong mainit na yakap.

at patutulugin sa tuwina ng matimyas

mong pag-awit ng ating mga pangarap.

At pangako kong walang pagkapatid

ang aking pagkapit

sa una mong sinambit

na walang hanggang mo akong ihehele

sa iyong duyan

nang walang kapaguran

at puno ng pagmamahal…

 

*para kay e

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s