Paano

ni Leni del Rosario

 

Lumilipad ang diwa

naglalakbay…

hinahalughog ang kalawakan ng gabi

pilit hinahanap ang kalayaan

sa pagitan ng mga kislap ng bombilyang

yumuyurak sa pagkatao.

 

 

Lumilipad ang diwa

kasabay ng panghahalay

ng mga hayok

sa katawang walang iniwan

kahit kaluluwa

na tinumbasan

ng ilang pirasong barya.

 

Lumilipad ang diwa,

paano nga ba makakawala?

sa kinasadlakang siphayo

sa pagkakapiit,

sa pangungutya

ng lipunan

paano nga ba?

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s