Eklipse

ni Elmer Yuri Arisgado

Sa tuwing nagtatalik ang araw at buwan,
Nagseselos ang daigdig,
Na mula sa malayo ay nakamasid –
Sa lantarang tanawin ng pagtataksil.
At nang minsan inakit ang buwan ng daigdig,
Nagpaubaya ang araw
At lihim na humibik
Sa mapanglaw na larawan ng madayang pag-ibig.

Advertisements